Kailanman ay huwag kayong maniniwala at magpapaloko sa ano mang mga idinadaldal ni Manong, lalung-lalo na ang kaniyang “curriculum vitae” (CV), hangga’t hindi pa niya napatutunayan at napaninindigan ang lahat ng mga sinasabi at isinusulat niya. Mayroon kasabihan na madali ang magsalita, mahirap ang gumawa!
Ako po ay si Heidi na dating matalik na kapatas ni Manong, ngunit kusa akong humiwalay sa kaniyang samahan dahil sa napahiya ako nang lubusan noong binali-wala ako sa “embassy” at nadale pa ako na maging “personna non grata” nang binanggit ko ang kaniyang pangalan at ipinagtanggol ko na dapat siya ang may karapatan na mamuno sa mga sasalubong sa pagdating ng Pangulo noong nakaraang tatlong buwan. Papaano ko pa maipakikita ang aking pagmumukha ngayon, kung ako pala ay naglalakad ng walang ulo? Ano ang akala niya sa akin, tulisang pugot? Que barbaridad!
Ako’y bagong
Kung talagang nais niyang itago at ipagtakpan ang hamak niyang pinanggalingan, bakit sinulat pa niya na “sponsored” daw siya noong mayamang Baron sa pagpunta dito kung ang katotohanan na umaabot sa mga kakilala niya ay dinala lamang siya kasama ang kaniyang pumanaw na asawa upang magtrabaho bilang katulong sa kastilyo ng kaniyang amo. Kusa ba niyang ginawa ito para lamang magpalapad ng papel at ipakita na mataas na tao siya upang makamtam niya ang matagal niyang pinapangarap na maging pangulo? Nang dumating ang mga “nurses” noong mga taon ng ‘70s siya ang inutusan na magsilbi sa kanila sa embassy. Alam niya na ang lahat na mga nakasabay niyang dumating dito ay kilalang-kilala ang kaniyang tunay na pagkatao kahit ba na pagandahin pa niya ang kaniyang CV. Kailanman ay hindi na niya kusang aaminin at babanggitin na siya ay dating katulong katulad ng mga kaibigan and kasapi niya. Bakit? Nahihiya na ba siya dahil sa ang tingin niya sa mga katulong ay mga hampas-lupa na ang ginagawa nila ay marumi at nakapangdidiri?
Sino pa sa mga matitino ng isipan ang maniniwala na nagtapos siya ng mataas na paaralan sa Arellano ng tatlong taon lamang? isang taon ng BSE sa UST? isang taon ng BA sa ULB? at Masters pa daw sa ULB? Anong taas ng ihi niya! Ano naman ang akala niya sa mga paaralan na pinagbabanggit niya? Patakbuhin? «Diploma mills»? Ang masahol pa ay ipinagmayabang pa na “author,” “researcher” at “publisher” daw siya ng «Born to be a hero» sa pamamagitan ng tulong ng kaniyang mga matatalik na kasapi at sa benediksiyon ng kaniyang kaibigang pare na madali niyang utuin dahil siya daw ang bumubuhay sa kaniya! Ang biyaya ba ng langit ay binabayaran pa? Anong talagang kakapal na kanilang mukha at hiya, ano?
Datapuwat narinig ko na hindi niya kusang inamin na siya ang sumulat dahil sa natakot na maidemanda siya ng “plagiarism” at mawalan pa sa kaniya nang tuluyan ang mataas na karangalan ng bilang komander daw. Kung sa sarili niyang wika na Tagalog ay balu-baluktot na ang kaniyang pagsulat at pagsalita, hindi na siya kinilabutan na ipagmalaki pa rin niya na marunong at magaling daw siya ng English, French, Flemish, Spanish, Italian at iba’t ibang wika ng Pilipinas.
Marahil ay hindi pa nakalilimutan ng marami ang malaking alingasngas na nangyari sa dating ambassador na kusang napilitan siyang umalis dahil sa hiya at tanggapin na lamang niya ang isang napakababang katungkulan sa isang 2nd-rate consulate sapagkat ang kaniyang napakalaking kamalian lamang ay naging kaibigang matalik ni Manong! Kaya, kahit gaano kababa o kataas ng inyong katayuan ay dapat kayong mag-ingat nang lubusan!
Kung sakali naman ay nais ninyong mabasa ng buong CV ni Manong, sumulat na lamang kayo at huwag ninyo namang kalilimutan na basahin ang iba’t ibang lathalain tungkol sa “Born to be hero” sa http://www.ningaskugonbaga.blogspot.com/. Maraming pong salamat sa inyong lahat.
No comments:
Post a Comment